Warning! Editing this pageset section will affect all pages on your website.

Tagalog - Mga Madalas Itanong

Programang Akademiko sa Tag-Init:

T: Ano ang programang akademiko sa tag-init?

S: Ang programang akademiko sa tag-init o summer academic program ay isang pagkakataon para sa mga estudyante ng Universal Transitional Kindergarten-8 (UTK-8) ng Pinagkaisang San Diego Unified upang ipagpatuloy ang kanilang akademikong paglalakbay sa panahon ng tag-init. Ang mga klase ay itinuturo ng mga gurong may mataas na kwalipikasyon sa Pinag-isang San Diego.

T: Kailan nagsisimula at nagtatapos ang programang akademiko sa tag-init?

S: And limang-linggong programa ay magsisimula nang Miyerkules, Hunyo 12, 2024, at magtatapos nang Biyernes, Hulyo 12, 2024. Sarado ang programa nang Hunyo 19, Hulyo 4 at 5.

T: Ano ang mga oras ng programang akademiko sa tag-init para sa UTK-8?

S: Ang mga oras ng programa ay 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

T: Maaari ko na bang ipatala ang estudyante ko ngayon?

S: Ang mga estudyanteng nakatutugon sa pamantayan ng Priority 1 (P1) ay makatatanggap ng prayoridad sa pagpaparehistro at maaaring magparehistro simula Lunes, Enero 29, 2024. Ang huling araw ng pamilyang P1 para sa pagpapatala ng kanilang (mga) estudyante ay Marso 15, 2024.

Ang pagpaparehistro para sa buong distrito ay nagbukas noong Mayo 13, 2024. Ang programa ay naabot na ang kapasidad at hindi na tumatanggap ng mga estudyante.

T: Paano ko malalaman kung ang aking estudyante ay nakatutugon sa pamantayan ng P1?

S: Sa ilalim ng mga kinakailangan sa gawad at mga prayoridad na lugar ng distrito sa Departamento ng Edukasyon ng California ng Pinalawak na mga Oportunidad sa Pag-aaral (ELOP), ang mga estudyanteng nakatutugon sa kahit isa sa mga sumusunod na pamantayan ay mabibigyan ng prayoridad na pagpaparehistro (P1):

      Multilinggwal (Mag-aaral ng Wikang Ingles)

      Kwalipikado sa libre o pinababang presyo ng pagkain

      Mga walang tirahan/foster youth

      Mga estudyanteng may kapansanan (IEP o 504)

      Mga kapatid ng mga estudyanteng pasok sa itaas na pamantayan na nasa parehong eskwelahan

T: Saan ko makikita ang aplikasyon?

S: Ang impormasyon ng pagpapatala ay ipinadala sa email ng pamilyang P1 noong linggo ng Enero 22, 2024. Ang pagpaparehistro para sa buong distrito ay nagbukas noong Mayo 13, 2024. Ang programang akademiko sa tag-init ay naabot na ang kapasidad at hindi na tumatanggap ng mga estudyante.

T: Maaari ba akong mag-aplay online para sa programang akademiko sa tag-init?

S: Hindi. Ang impormasyon ng pagpapatala para sa akademikong tag-init ay ipinadala sa pamilyang P1 noong linggo ng Enero 22, 2024. 

Ang pagpapatala ay bukas simula sa mga eskwelahan para sa tag-init simula nang May 13.

Ang programang akademiko sa tag-init ay naabot na ang kapasidad at hindi na tumatanggap ng mga estudyante.

T: Higit sa isa ang estudyante ko sa aking sambahayan, kailangan ko bang magsumite ng aplikasyon para sa bawat bata kada programa?

S: Oo. Kailangang magsumite ng aplikasyon para sa bawat bata at sa bawat programa.

T: Ipapaalam ba sa akin kung natanggap na sa pagpasok ang aking estudyante sa programang akademiko sa tag-init?

A. Ang mga pamilyang nagsumite ng aplikasyon na P1 noong Marso 15 ay nakatanggap ng abiso sa email noong Abril 5, 2024 na may kasamang impormasyon ukol sa pagkumpleto ng proseso ng pagpapatala.

Ang pagpapatala sa buong distrito ay nagsimula noong Mayo 13. Ang mga pamilya ay makatatanggap ng kumpirmasyon ng pagpapatala sa loob ng limang araw ng opisina pagkatapos Isumite ang kanilang (mga) form ng pagpapatala.

T: Bukas ba ang programang akademiko sa tag-init kapag may pagdiriwang?

S: Ang programa ay sarado sa mga pista opisyal ng distrito sa mga araw ng Hunyo 19, Hulyo 4 at 5.

T: Iba-iba ba ang programang akademiko sa tag-init sa programang Level Up?

S: Oo. Ang programang akademiko sa tag-init ay isang pagkakataon sa lahat ng mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang akademikong paglalakbay hanggang sa tag-init. Ang mga klase ay itinuturo ng mga gurong may mataas na kwalipikasyon sa Pinag-isang San Diego. Ang programa ay karagdagan sa kasalukuyang taon sa eskwelahan. Ang mga pagpapayamang programa ng Level Up, para sa mga kasalukuyang estudyante ng distrito, ay nagbibigay ng mga aktibidad tulad ng STEM, sayaw ay isports.

T: Gaano katagal ang isang araw sa programang akademiko sa tag-init?

S: Ang programang akademiko sa tag-init ay tumatagal ng 4 na oras bawat araw sa loob ng 5 linggo.

T: Anong mga paaralan ang mangunguna sa programang akademiko sa tag-init?

S: Ang website ng aming Pinalawig na Oportunidad sa Pag-aaral ay may listahan ng 49 na mga eskwelahan na nag-aalok ng programa.

T: Paano napili ang mga eskwelahan?

S: Maraming mga kadahilanan ang isinaalang-alang para sa pagpili ng mga eskwelahan na mangunguna para sa akademikong programa sa umaga, kabilang na ang bilang ng mga estudyante, pagkakalapit sa iba pang mga pasilidad ng eskwelahan at mga dati ng naka-iskedyul na konstruksyon ng mga proyekto na maaaring limitahan ang pagpunta sa pasilidad.

T:  Ang eskwelahan ng estudyante ko ay wala sa listahan. Pwede ba akong mag-aplay sa ikalawang pinakamalapit na eskwelahan?

S: Oo. Kung sarado ang kasalukuyang eskwelahan ng inyong estudyante para sa tag-init, maaari kayong pumili ng anumang eskwelahan sa inyong kumpol.

T: Kailangan ko bang ipatala ang aking estudyante sa parehong kumpol kung saan sila kasalukuyang nakatala?

S: Oo.

T: Pwede ko bang ipatala ang estudyante ko sa programang akademiko sa tag-init  at programang Level Up (pagpapayaman) sa iba’t ibang eskwelahan, o kailangan bang magkapareho ang mga lugar?

S: Ang mga site ay maaaring magkakaiba; gayunpaman, ang mga pamilya ang responsable para sa transportasyon papunta at pabalik sa mga programa.

T: Kailangan bang maitala ang anak ko sa programang akademiko sa tag-init  para maka-aplay sa programa Level Up (pagpapayaman)?

S: Hindi. Maaari ninyong ipatala ang inyong estudyante sa programang Level Up lamang.

T: Magiging mahirap ba ang kurikulum?

S: Ang mga koponan ng mga guro at mga lider ng pagtuturo ay bumuo ng isang matatag na akademiko at panlipunang-emosyonal na kurikulum para sa mga estudyante sa lahat ng antas na nakabatay sa paggawa ng proyekto, hands-on, at minds-on na karanasan sa pagkatuto.

T: Gaano kalaki ang magiging bilang ng mga klase?

S: Ang laki ng klase ay nag-iiba sa bawat site. Ang mga eskwelahan ay susunod sa alituntunin sa kalusugan at kaligtasan, at ang mga ratio ng estudyante sa guro ay 2;20 para sa UTK at sa kindergarten at 1:20 para sa una hanggang ikawalong grado.

T: Libre ba talaga ang bayad sa matrikula o tuition ng mga programa (akademiko sa tag-init, PrimeTime, Level Up)?

S: Oo! Ang mga programa ay pinondohan ng Departamento ng Edukasyon ng California sa Programa ng mga Pinalawak na Oportunidad sa Pag-aaral (ELOP).

T: Maaari ba akong mag-sign up para sa tatlong programa (akademiko sa tag-init, PrimeTime, Level Up)?

S: Dahil magkakasabay ang mga iskedyul ng programa, hindi posible para sa inyong estudyante na makadalo sa lahat ng tatlong programa ng sabay-sabay. Upang makapasok ang inyong estudyante sa PrimeTime, kailangang dumalo ang estudyante sa programang akademiko sa tag-init. Gumawa ang distrito ng isang dokumento na may UTK-8 Summer 2024 Program Packages upang tulungan ang mga pamilya kung aling (mga) programa ipapasok ang kanilang (mga) estudyante.

 

T: Maaari ko bang ipatala ang aking estudyante sa parehong programang akademiko sa tag-init at and Level up (pagpapayaman)?

S: Oo.

T: Ang programang akademiko sa tag-init ng hayskul ba ay para lamang sa mga estudyante na kailangang pataasin ang kanilang marka upang makapagtapos sa takdang oras?

S: Oo. Sa kasalukuyan, ang mga estudyante ay maaaring magpatala para sa credit recovery sa eskwelahan para sa tag-init at maaaring makabawi ng hanggang sa apat na kredito. Dapat makipagtulungan ang mga estudyante ng hayskul sa kanilang tagapayo para makapapasok sa tamang kurso na kailangan.

T: Kwalipikado ba ang aking estudyante sa UTK na dumalo sa programang akademiko sa tag-init?

S: Oo, kung ang iyong anak ay nakatala sa UTK sa taong ito, sila ay kwalipikado para sa programang akademiko sa tag-init ng UTK.

T: Ang pag-sign up ba para sa programang akademiko sa tag init ay ginagarantiyahan ang isang puwesto sa programa ng Level Up (pagpapayaman)?

S: Hindi. Ang programang akademiko para sa tag-init ay limitado batay sa kapasidad ng eskwelahan. Gayundin, ang programa ng Level Up ay may limitadong mga bilang.

T: Ang programang akademiko sa tag-init ba ay idinadagdag para sa grado sa akademikong taon ng eskwelahan?

S: Ang distrito ay nag-aalok ng programang credit recovery para sa mga estudyante ng sekondarya na maaaring makakuha ng hanggang apat na kredito sa mga klase kung saan sila nakatanggap ng markang D o F. Ang estudyante ay kailangang makipagtulungan sa kanilang tagapayo sa hayskul sa eskwelahan upang makapagpatala sa tamang kurso na kailangan.

T: May nakaplanong bakasyon ang pamilya namin. Ilang oras pwedeng lumiban ang estudyante ko?

S: Mangyaring talakayin ang mga pinagplanuhang bakasyon at pagpapaliban sa administrador ng inyong eskwelahan. Walang kailangang attendance sa elementarya at middle level. Ang mga hayskul na nagbubuno ng mga kredito para sa pagtatapos ay maaari lamang magkaroon ng dalawang araw na pagliban.

T: Kung ang estudyante ko ay kasalukuyang nasa ikawalong baitang, papasok ba sila sa ikawalo or ikasiyam na programang pangtag-init?

S: Sa kasong ito, ikawalong baitang. Ang mga estudyante ay mananatili sa kanilang kasalukuyang grado (mula sa taong akademiko 2023-24) para sa tag-init. Maliban na lamang para sa mga estudyanteng umalis sa ikawalong grado na interesado sa credit acceleration o pagbawi sa matematika, o Espanyol para sa programa sa immersion.

T: Ang programang akademiko sa tag-init ba ay makukuha sa wikang Espanyol para sa mga estudyanteng regular na nasa isang programa ng immersion sa Espanyol?

S: Oo, ang immersion sa Espanyol ay makukuha sa Balboa, Edison, Language Academy, Rosa Parks, Linda Vista at Tierrasanta para sa mga estudyante mula UTK-5.

T: Ang transportasyon sa bus ba ay iniaalok ng eskwelahan sa distrito?

S: Ang transportasyon ay ibinibigay lamang para sa mga estudyanteng pumapasok sa ESY (Extended School Year) o Pinalawig na Akademikong Taon, na hindi nakatalaga sa kanilang eskwelahan ng paninirahan. Walang transportasyon para sa ating pangkalahatang programa sa edukasyon.

T: Kasama ba ang mga pagkain sa programang akademiko sa tag-init?

S: Oo, ang almusal at tanghalian ay ilalaan para sa mga mag aaral na nakikilahok sa programang akademiko sa tag-init.

T: Magkakaroon ba ng nars sa panahon ng programang akademiko sa tag-init?

S: Ang mga nars at / o mga health technician ay naroroon upang suportahan ang lahat ng mga site sa tag-init.

T: Hindi gumagana ang ID number ng estudyante ko. Sino ang dapat kong kausapin?

A: Kung hindi gumagana ang iyong student ID number, mangyaring makipag-ugnayan sa information office ng distrito sa [email protected]. Bilang paalala, ang mga charter student ay hindi kwalipikadong dumalo.

T: Ano ang patakaran ng distrito sa paggamit ng mask (Patakaran sa COVID)?

S: Sinusunod ng distrito ang patnubay ng Centers for Disease Control at ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California

T: Sino ang pwede kong kausapin para sa mga karagdagang katanungan?

S: Maaaring bisitahin ng mga pamilya ang website ng Pinalawig na Mga Oportunidad sa Pag-aaral (ELO) para sa karagdagang impormasyon o tumawag sa tanggapan ng ELO sa 858-810-7310 sa oras ng opisina, Lunes hanggang Huwebes, 7:30 ng umaga - 3 ng hapon.

Ang departamento ng Pinalawig na Mga Oportunidad sa Pag-aaral (ELO) ng Pinagkaisang San Diego ay maglalaan ng mga sesyon na birtwal (Zoom) para sa pamilya sa oras ng opisina kada Martes, mula alas-4:30 ng hapon. Ang mga sesyong ito ay eksklusibo para sa mga pamilya na may kasalukuyang mga estudyanteng pumapasok sa distrito.

Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime:

T: Ano ang PrimeTime?

S: Ang Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime ay nagbibigay ng isang nakakaengganyong kapaligiran kung saan ang mga estudyante ay maaaring palakasin ang kanilang mga kasanayan sa akademiko at lumahok sa mga nakakatuwang aktibidad sa pagpapayaman sa larangan ng sining, agham, musika at athletics, habang pinagbubuti ang mga kasanayan sa lipunan. Ang mga estudyanteng makakalahok sa Programa para sa Tag-Init PrimeTime ay bibigyan ng libre at masustansyang pagkain.

T: Anong mga paaralan ang mag-aalok ng Programa para sa Tag-Init ng Primetime?

S: Mayroong 49 sa elementarya at middle level na eskwelahan ang mag-aalok ng PrimeTime sa panahon ng tag-init. Mag-click dito upang tingnan ang listahan ng mga eskwelahan.

T: Kailan nagsisimula at nagtatapos ang programa?

S: Ang Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime ay magsisimula sa  Miyerkules, Hunyo 12, 2024 at magtatapos sa Biyernes, Hulyo 12, 2024. Sarado ang programa sa Hunyo 19, Hulyo 4, at Hulyo 5.

T: Ano ang mga oras sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime?

S: Ang programa ay nagsisimula sa 12:00 ng tanghali at nagtatapos sa 5:00 ng hapon.

T: Bukas ba ang programa kapag may pagdiriwang?

S: Ang programa ay sarado sa mga pista opisyal ng distrito Hunyo 19, Hulyo 4, at Hulyo 5.

T: Paano malalaman kung kwalipikado ang anak ko sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime?

S: Ang mga estudyante ng Pinag-isang San Diego na pumapasok sa Programang Akademiko sa Tag-init/ESY ng Pinag-isang San Diego ay kwalipikado na mag-aplay upang lumahok sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime sa parehong site ng eskwelahan kabilang ang mga estudyante sa Universal Transitional Kindergarten (UTK) hanggang sa ikawalong grado sa 2023-24 taon ng eskwelahan. Ang mga estudyante na nakatutugon sa  pamantayan ng Priority 1 (P1) ay tatanggap ng prayoridad na pagpaparehistro.

T: Pwede bang ipatala ang estudyante ko ngayon na?

S: Ang mga mag aaral na nakatutugon sa pamantayan ng Priority 1 (P1) ay tatanggap ng prayoridad sa pagpaparehistro at maaaring magparehistro simula Lunes, Enero 29, 2024. Ang huling araw para sa pamilyang P1 upang ipatala ang kanilang (mga) mag aaral ay Marso 15, 2024, o hanggang mapuno ang programa.

Simula Mayo 13, 2024, ang pagpaparehistro ay bukas sa buong distrito, kung may puwang ang mga estudyante ay tatanggapin batay sa PrimeTime priority point system. 

T: Paano ko malalaman kung ang estudyante ko ay nakatutugon sa pamantayan ng P1?

S: Sa ilalim ng mga kinakailangan sa gawad at mga lugar na prayoridad ng distrito ng Departamento ng Edukasyon ng California sa Programa ng Mga Pinalawig na Oportunidad sa Pag-aaral o Expanded Learning Opportunities Program (ELOP), ang mga estudyante na nakakatugon sa kahit isa sa mga sumusunod na pamantayan ay bibigyan ng prayoridad na pagpaparehistro (P1):

      Multilinggwal (Mag-aaral ng Wikang Ingles)

      Kwalipikado sa libre o pinababang presyo sa pagkain

      Mga walang tirahan/foster youth

      Mga estudyanteng may kapansanan (IEP o 504)

      Mga kapatid ng mga estudyanteng pasok sa itaas na pamantayan na nasa parehong eskwelahan

T: Paano mag-aplay sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime?

A: Ang mga estudyanteng nakatutugon sa pamantayan ng Priority 1 (P1) ay tatanggap ng prayoridad na pagpaparehistro at maaaring magparehistro simula Lunes, Enero 29, 2024. Ang huling araw para sa pamilyang P1 upang ipatala ang kanilang (mga) estudyante ay Marso 15, 2024, o hanggang mapuno ang programa. 

T: Kailan dapat tapusin ang aplikasyon ng Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime?

S: Ang mga inisyal na aplikasyon ng Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime ay dapat magawa bago Marso 15, 2024. Maaaring patuloy na mag-aplay ang mga pamilya pagkatapos ng takdang petsang ito. 

T: Aabisuhan ba ako kung natanggap na para makapasok ang estudyante ko sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime?

S: Ang mga aplikasyon ng Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime na isinumite hanggang Marso 15, 2024, ay makatatanggap ng isang abiso sa email sa araw ng Abril 5, 2024, na may impormasyon upang makumpleto ang proseso ng pagpapatala. Para sa mas detalyadong impormasyon, mangyaring mag-click dito.

T: Hindi nakalista ang eskwelahan ng anak ko sa drop down menu ng Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime. Ano ang mga pagpipillian ko?

T: Kung kailangan ninyo ng tulong o may mga tanong, mangyaring tawagan ang tanggapan ng PrimeTime para sa suporta sa [email protected] o 858-503-1870. 

T: Ang estudyante ko ay waitlisted para sa programa para sa tag-Init ng PrimeTime. Ano ang gagawin ko ngayon?

S: Ang mga pamilya ay aabisuhan kapag mayroon nang puwang na bukas. 

T: Ang estudyante ko ay kasalukuyang nakatala sa PrimeTime. Kailangan ko pa bang kumpletuhin ang aplikasyon para sa tag-init?

S: Oo, ang mga estudyanteng kasalukuyang pumapasok sa PrimeTime ngayong taon ay kailangang mag-aplay para sa programa sa tag-Init ng PrimeTime.

T: Nag-aplay ako sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime. Makakatanggap ba ako ng kumpirmasyon?

S: Oo, ang mga aplikasyon sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime na isinumite hanggang Marso 15, ay makakatanggap ng isang abiso sa email bago ang Abril 5, 2024 na may impormasyon upang makumpleto ang proseso ng pagpapatala. Para sa mas detalyadong impormasyon, mangyaring mag click dito.

T: Kwalipikado lang ba ako sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime kung ang estudyante ko ay nakatala sa programang akademiko sa tag-init?

S: Oo, ang mga estudyante ay dapat na nakatala sa programa ng akademikong tag-init upang maging kwalipikado para sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime sa parehong site ng eskwelahan.

T: Kwalipikado pa ba ang estudyante ko sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime kung sa programa ng Level Up sila papasok, hindi sa programang akademiko ng tag-init?

S: Hindi, ang mga mag aaral ay dapat na nakatala sa programang akademiko ng tag-init upang maging kwalipikado para sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime sa parehong site ng paaralan at hindi pumapasok sa programa ng Level Up.

T: Pwede ba akong mag-aplay sa Programa para sa Tag-Init ngayon at magpalit sa Level up pagkatapos?

A: Oo, kung ang iyong estudyante ay inilagay sa waitlist. 

T: Ang site ba ng PrimeTime ay nasa parehong eskwelahan ng programang akademiko ng tag-init? Nagtatrabaho ako buong araw at hindi ko maihahatid ang aking estudyante sa isang hiwalay na lokasyon ng programa.

S: Ang Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime ay iaalok ng 49 na eskwelahan ng elementarya at middle level na naghahandog ng programang akademiko sa tag-init, mangyaring mag-click dito para sa listahan ng mga eskwelahan.

T: Matatanggap ba ang anak ko sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime kung ang isa sa mga magulang ay nasa bahay o walang trabaho?

S: Ang pagtanggap sa PrimeTime ay hindi garantisado at batay sa isang sistema ng application rating. Mangyaring sumangguni sa website ng Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime dito para sa karagdagang impormasyon.

T: Kailangan bang pumasok ang estudyante ko sa limang oras na araw ng Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime? Pwede bang 4:30 ng hapon na lang ako magsundo sa estudyante ko imbes na 5:00 ng hapon?

S: Maaaring sunduin ng mga pamilya ang kanilang estudyante ng 4:30 ng hapon at kumpletuhin ang form ng PrimeTime Early Release.  Ang karagdagang impormasyon tungkol sa prosesong ito ay ibabahagi sa mga pamilya bago magsimula ang programa sa tag-init.

T: May nakaplanong bakasyon ang pamilya namin. Ilang oras po ba pwedeng hindi makapasok ang estudyante ko?

S: Base sa mga patnubay ng estado, dapat magplano ang mga estudyante na dumalo sa programa araw-araw. 

T: Ano ang pagkakaiba ng Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime sa programang akademiko ng tag-init?

S: Ang Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime ay nagbibigay ng isang nakakaengganyong kapaligiran kung saan ang mga estudyante ay maaaring palakasin ang kanilang mga kasanayan sa akademiko at lumahok sa mga nakakatuwang aktibidad sa pagpapayaman sa larangan ng sining, agham, musika at athletics, habang pinagbubuti ang mga kasanayan sa lipunan. Ang mga estudyante na lalahok sa Programa para sa Tag-Init ng PrimeTime ay bibigyan ng libre at masustansyang pagkain.

Ang programang akademiko para sa tag-init ay isang pagkakataon para sa mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang akademikong paglalakbay sa tag-init. Ang mga klase ay itinuturo ng aming mga guro na may mataas na kwalipikasyon sa Pinag-isang San Diego.

T: Ang PrimeTime Summer Program lang ba ang pagpipilian para sa "after school" na programa sa tag-init, o magkakaroon pa ng ibang programa ng papayaman pagkatapos ng Akademikong Programa sa Pang-Umaga sa Tagi-init?

S: Karagdagan sa PrimeTime, ang mga programa para sa pagpapayaman ng Level Up ay ihahandog pagkatapos ng akademikong programa para sa tag-init.

T: Sino ang pwede kong kausapin para sa karagdagang katanungan?

S: Para sa impormasyon tungkol sa PrimeTime, mangyaring mag-email sa opisina ng PrimeTime sa [email protected] o tawagan ang 858-503-1870.

Ang departamento ng Pinalawig na mga Oportunidad sa Pag-aaral (ELO) ng Pinag-Isang San Diego ay maglalaan ng isang birtwal (Zoom) para sa pamilya sa oras ng opisina kada Martes, mula alas-4 ng hapon hanggang 4:30 ng hapon. Ang mga sesyong ito ay eksklusibo para sa mga pamilya na may kasalukuyang mga estudyanteng pumapasok sa distrito.

ESY

T: Ano ang programa para sa tag-init ng Pinalawig na Taon ng Pag-aaral?

S: Ang mga programang serbisyo ng Pinalawig na Taon ng Eskwelahan (ESY) ay ibinibigay sa mga kwalipikadong estudyante sa espesyal na edukasyon na may natatanging pangangailangan at nangangailangan ng espesyal na edukasyon at mga kaugnay na serbisyo na higit sa regular na akademikong taon.

T: Kailan magsisimula ang ESY na programang pangtag-init?

S: Ang limang-linggong programa ng ESY ay magsisimula sa Miyerkules, Hunyo 12, 2024 at magtatapos sa Biyernes, Hulyo 12, 2024. Sarado ang programa sa Hunyo 19, Hulyo 4 at 5.

T: Ano ang mga oras ng programa?

S: Ang UTK - 8th program ay nagsisimula sa 8:00 n.u. at nagtatapos ng 12:00 n.t. Ang mga estudyante ng ESY sa hayskul ay dumarating ng alas-9:30 n.u. at umaalis ng 1:30 n.h.

T: Bukas ba ang programa kapag may pagdiriwang?

A: Ang programa ay sarado sa mga pista opisyal ng distrito Hunyo 19, Hulyo 4 at 5.

T: Paano ko maipapatala ang aking estudyante sa ESY programa sa tag-init?

S: Ang mga estudyanteng kwalipikado sa ESY ay ipapatala sa pamamagitan ng case manager ng kanilang anak. Kung hindi kayo sigurado kung sino ang case manager ng inyong anak, mangyaring makipag-ugnayan sa pangunahing opisina sa inyong paaralan. 

T: Ano ang mga nakatalagang sites ng eskwelahan ng ESY sa tag-init? 

S: Ang mga sites ng eskwelahan ay makikita sa link na ito.

T: May itatalaga bang ESY na site ng eskwelahan para sa estudyante ko?

S: Oo. Kapag ang kwalipikadong estudyante sa ESY ay nakarehistro na sa pamamagitan ng kanilang case manager, ang Departamento ng Mga Pinalawig na Oportunidad sa Pag-aaral ay itatalaga ang estudyante sa isang eskwelahan batay sa kanilang Individualized Education Plan (IEP) na programa.

T: Kung may IEP ang anak ko, tinutukoy ba ng case manager nila kung mas angkop sila sa ESY kumpara sa akademikong programa?

S: Ang mga kwalipikadong estudyante ng ESY na nabibilang sa banayad / katamtamang programa ay magpapatuloy sa kanilang mga serbisyo sa akademikong programa o sa kanilang hiwalay na pagkakagrupo. Ang mga estudyante na nakikibahagi sa isang hiwalay o natatanging pagkakagrupo ay makakatanggap ng mga serbisyo ng ESY bilang pagpapatuloy ng kanilang taon ng pag-aaral.

T: Mayroon bang transportasyon sa bus ang estudyante ko na nakatala sa ESY na programa sa tag-init?

S: Depende sa kanilang partikular na kalagayan, ang mga estudyante ng ESY ay maaaring makatanggap ng transportasyon:

·      Oo. Kung ang isang estudyante ay tumatanggap ng transportasyon sa Espesyal na Edukasyon sa panahon ng regular na taon ng paaralan (hindi Magnet), patuloy silang tatanggap ng ganoong antas ng serbisyo ng bus.

·      Oo. Kung ang eskwelahang pinapasukan at eskwelahang malapit sa tirahan ay parehong sarado, ang transportasyon ay ibibigay. Ang estudyante ay susunduin sa kanilang eskwelahan malapit sa tirahan at ihahatid sa nakatalagang lugar ng ESY.

·      Hindi. Kung ang estudyante ay hindi tumatanggap ng transportasyon sa panahon ng regular na taon ng eskwelahan at pumapasok sa kanilang eskwelahan para sa ESY, walang transportasyon na maibibigay.

Kung mayroon kayong anumang mga katanungan tungkol sa mga serbisyo sa transportasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa case manager ng inyong estudyante.

T: Maaari ba akong mamili ng eskwelahang papasukan ng aking anak para sa ESY? 

S: Oo, ang mga magulang ay maaaring makapamili ng eskwelahan sa ESY para sa kanilang estudyante, gayunpaman, ang eskwelahan ay itinuturing na choice school at ang transportasyon ay hindi maibibigay. 

T: Sino ang maaari kong kausapin para sa mga karagdagang katanungan?

S: Dapat makipag-ugnayan muna ang mga pamilya sa case manager ng estudyante. Kung hindi ninyo alam kung sino ang case manager, mangyaring makipag-ugnayan sa pangunahing opisina ng inyong paaralan.

Kung kailangan ninyo ng karagdagang impormasyon pagkatapos makipag-usap sa case manager ng inyong estudyante, mangyaring kontakin ang mga sumusunod na kawani:

Theresa Aviles, Operations Specialist, Departamento ng Mga Pinalawig na Oportunidad sa Pag-aaral [email protected]

Mia Martinez, Coordinator ng Pagtuturo, Departamento ng Espesyal na Edukasyon

[email protected]

Ang departamento ng Pinalawig na mga Oportunidad sa Pag-aaral (ELO) ng Pinag-Isang San Diego ay maglalaan ng isang birtwal (Zoom) para sa pamilya sa oras ng opisina kada Martes, mula alas-4 ng hapon hanggang 4:30 ng hapon. Ang mga sesyong ito ay eksklusibo para sa mga pamilya na may kasalukuyang mga estudyanteng pumapasok sa distrito.

Level Up Pagpapayaman

Tandaan: Ang mga estudyante na nakatutugon sa pamantayan ng Priority 1 (P1) ay tatanggap ng prayoridad na pagpaparehistro.

T: Ano ang Level Up?

S: Ang San Diego Unified ay muling nakipagtulungan  sa San Diego Foundation upang magbigay ng mga programa sa pagpapayaman para sa mga kasalukuyang estudyante ng distrito mula UTK hanggang sa ikawalong grado.

Ang mga programa para sa gradong UTK hanggang ikawalo ay magkakaiba at maaaring kasama ang:

·       Panlabas at Kalikasan

·       Isports at Kalakasan ng Katawan

·       Sining at Musika

·       Sayaw

·       Pagbasa at Pagsulat

·       STEM / STEAM

Ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga programa, lokasyon, at oras ay makikita sa website ng Level Up Pagpapayaman ng distrito.

T: Kapareho ba ng Level Up ang mga programa sa pagpapayaman?

S: Oo. Maaari ninyong marinig sa distrito ang tungkol sa mga programa sa pagpapayaman na iniaalok sa panahon ng tag-init. Ang tinutukoy ng distrito ay ang Level Up na Programang Pagpapayaman sa Tag-init.

T: Paano ipapatala ang estudyante ko sa Level Up na  Pagpapayaman?

S: Ang mga estudyanteng nakatutugon sa pamantayan ng Priority 1 (P1) ay tatanggap ng prayoridad na pagpaparehistro at maaaring magparehistro simula Lunes, Abril 8, 2024.

Ang pagpaparehistro ay nagbukas sa buong distrito noon Mayo 13, 2024, base sa batayan ng unang makarating at masilbihan. Inirerekomenda para sa mga pamilya na panooring ang InPlay informative video para sa mga tips na makakatulong sa pagpapatala ng inyong (mga) estudyante. Ang mga puwang ay limitado. 

Ang mga pamilya ay makatatanggap ng text message sa Mayo 13 kasama ang link kung paano magpatala sa InPlay. 

T: Paano ko malalaman kung ang estudyante ko ay nakakatugon sa batayan ng  P1?

S: Sa ilalim ng mga kinakailangan sa gawad at mga lugar na prayoridad ng distrito ng Departamento ng Edukasyon ng California sa Programa ng Mga Pinalawig na Oportunidad sa Pag-aaral (ELOP), ang mga estudyante na nakakatugon sa kahit isa sa mga sumusunod na pamantayan ay bibigyan ng prayoridad na pagpaparehistro (P1):

      Multilinggwal (Mag-aaral ng Wikang Ingles)

      Kwalipikado sa libre o pinababang presyo sa pagkain

      Mga walang tirahan/foster youth

      Mga estudyanteng may kapansanan (IEP o 504)

      Mga kapatid ng mga estudyanteng pasok sa itaas na pamantayan na nasa parehong eskwelahan

T: Aabisuhan ba ako kung nakatanggap na upang makapasok sa programa ng Level Up ang estudyante ko?

S: Ang pamilyang P1 ay makatatanggap ng text message sa linggo ng Abril 8 na may impormasyon sa pagpapatala ng Level Up mula sa InPlay, kasama ang imbitasyon na ipatala ang kanilang (mga) estudyante.

Ang mga pamilya sa buong distrito ay nakatanggap ng mensahe sa text noong Mayo 13 kasama ang link upang ipatala ang kanilang (mga) estudyante sa InPlay.

T: Ano ang InPlay?

S: Ang InPlay ang magiging portal ng pagpaparehistro para sa mga programa ng pagpapayaman ng Level Up. Ang InPlay ay magpapasimula ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang natatanging link na nakabase sa web sa pamamagitan ng text message para sa bawat estudyante gamit ang numero ng cell phone na nakalista sa PowerSchool. Tiyakin lamang na ang PowerSchool profile ng inyong estudyante ay may tamang cell number sa patlang ng cellphone.

T: Paano ko masisiguro na nasa PowerSchool ang kasalukuyang cell number ko?

S: Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong kasalukuyang eskwelahan upang matiyak na ang bawat isa sa inyong kasalukuyang nakapasok na numero ng telepono ng estudyante sa PowerSchool ay tama.

T: Wala akong natatanggap na text messages tungkol sa programang Pagpapayaman ng Level Up. Ano ang dapat kong gawin?

S: Makipag-ugnayan sa inyong kasalukuyang eskwelahan upang matiyak na tama ang inyong cell phone number.

T: Napakarami kong nakukuhang spam texts. Paano ko masisiguro na hindi ko mabubura ang mga text message ng Level Up?

S: Ang sumusunod ay sample text message na inyong matatanggap sa InPlay:

Inanyayahan ng Pinag-isang San Diego si Joey na mag-sign up para sa mga libreng programa sa tag-init! Sumagot ng STOP para mag-unsubscribe [Link ng Imbitasyon]

T: Paano kung ayaw kong makatanggap ng text messages sa InPlay?

S: Ang mga pamilyang nauna ng nagpahayag na ayaw makatanggap ng text messages mula sa InPlay ay maaaring magtext ng salitang “START” sa 619-514-2484. Maaaring magbayad ng karaniwang singil sa data.

T: Ano ang mga lokasyon ng programang pagpapayaman ng Level Up?

S: Ang unang limang linggo ng programa ay iaalok sa 49 na mga site ng eskwelahan ng distrito. Ang huling apat na linggo ng programa, Hulyo 15 hanggang Agosto 9, ay iaalok off-site sa mga lokal na katuwang na nonprofit. Upang makita ang mga site ng eskwelahan, mangyaring mag-click dito.

T: Ano ang deadline para sa pagpapatala sa programang Level Up (pagpapayaman)?

S: Ang mga estudyante na nakatutugon sa  pamantayan ng Priority 1 (P1) ay tatanggap ng prayoridad na pagpaparehistro at maaaring magparehistro simula Lunes, Abril 8, 2024.

Nagsimula noong Mayo 13, 2024 ang pagpaparehistro sa buong distrito, base sa batayan ng unang makarating at masilbihan. Ang pagpapatala ay bukas hanggang mapuno. Limitado ang kapasidad.

Walang huling araw o deadline para magpatala sa mga programa ng pagpapayaman ng Level Up, gayunpaman, ang mga programa ay hindi na makikitang bukas sa sandaling ang kanilang kapasidad naabot na. Ang bawat puwang ay mag-iiba programa-sa-programa. 

T: Ang Level Up na programang pagpapayaman ba ay bukas sa lahat ng antas ng grado?

S: Oo, ang lahat ng kasalukuyang nakatala na mga estudyante ng UTK-8 ay maaaring lumahok sa programang Level up.

T: Ibinibigay ba ang prayoridad sa pagpapatala sa Level Up programang pagpapayaman sa mga papasok sa akademikong pangtag-init?

S: Hindi. Ngunit ang mga estudyanteng nakatutugon sa pamantayan ng Priority 1 (P1) ay nabigyan ng prayoridad para sa pagpaparehistro simula Abril 8, 2024 para sa Level Up.

T: Ang pag-sign up ba para sa programang akademiko sa tag-init ay garantiya ng isang puwang sa Level Up na programang pagpapayaman?

S: Ang distrito ay hindi makatitiyak na mayroong garantisadong puwesto para sa programa ng pagpapayaman sa Level Up. Gayunpaman, ang mga estudyanteng nakatutugon sa pamantayan ng Priority 1 (P1) ay nabigyan ng prayoridad para sa pagpaparehistro simula Abril 8, 2024 para sa Level Up.

T: Kailangan ba na ipatala ang estudyante ko sa programa para sa tag-init ng PrimeTime para makasali sa Level Up na programang pagpapayaman?

S: Hindi. Ang pagpapatala sa programa sa tag-init ng PrimeTime ay hindi kinakailangan para sa pagsali sa programang pagpapayaman ng Level Up.

T: Limang araw ba sa isang linggo ang Level Up na programang pagpapayaman?

S: Karamihan sa mga programa ay tatagal ng limang araw sa isang linggo na may iba't ibang mga oras ng pagsisimula at pagtatapos. Mangyaring tandaan na hindi lahat ng programa sa lahat ng antas ng grado ay magiging isang limang araw sa isang linggo na programa. Bago irehistro ang inyong estudyante, siguraduhing tingnan ang iskedyul ng programa upang matiyak na angkop ito sa pangangailangan ng inyong estudyante at ng inyong pamilya.

T: Ano ang mga oras ng Level Up na programang pagpapayaman?

S: Iba-iba ang oras depende sa programang sinasalihan ng inyong estudyante.

Q: Buong araw o part time ba ang mga Level Up na programang pagpapayaman?

S: Maaaring pumili sa parehong oras. Bago irehistro ang inyong estudyante, siguraduhing tingnan ang iskedyul ng programa upang matiyak na angkop ito sa pangangailangan ng iyong estudyante at ng iyong pamilya.

Q: Pwede ko bang ipatala ang estudyante ko sa parehong programang akademiko sa tag-init at Level Up na programang pagpapayaman?

S: Oo. Gayunpaman, mangyaring tiyakin na ang mga oras ng programa ay hindi magkakasabay.

T: Kailangan bang nakatala ang anak ko sa programang akademiko sa tag-init para makasali sa Level Up programang Pagpapayaman?

S: Hindi. Maaaring ipatala ang inyong estudyante sa Level Up na programang pagpapayaman.

T: Pwede bang ipatala ang estudyante ko sa maraming Level Up na programang pagpapayaman?

S: Oo. Ang mga pamilya ay makakapimili kung saan ipapatala ang kanilang (mga) anak na hindi lalampas sa tatlong sesyon ng programa. Mahalagang tiyakin ang mga petsa at oras ng mga sesyong ito upang hindi mapasabay sa iba pang programa sa tag-init.

T: Ang bawat isa ba sa mga site ng eskwelahan ay nag-aalok ng parehong mga programa sa pagpapayaman ng Level Up o nag-iiba ba ang mga handog ng programa?

S: Maaaring magkakaiba ang mga programa. 

T: Paano kung kailangan ng aking estudyante ng accommodation o 504 na suporta para sa aktibidad ng pagpapayaman?

S: Mangyaring makipag-ugnayan sa tagapagbigay ng programa nang direkta upang mag-ayos ng suporta. Ang impormasyon upang matawagan ang tagapagbigay ng programa ay dapat na kasama sa mensaheng natanggap mo na nagkukumpirma ng pagpapatala sa programa.

T: Sino ang maaari kong tawagan para sa mga karagdagang katanungan?

S: Maaaring bisitahin ng mga pamilya ang website ng Pinawig na mga Oportunidad sa Pag-aaral o Pinalawig na Mga Oportunidad sa Pag-aaral (ELO) para sa karagdagang impormasyon o tumawag sa tanggapan ng ELO sa 858-810-7310 sa oras ng opisina, Lunes hanggang Huwebes, 7:30 ng umaga - 3 ng hapon.

Ang departamento ng Pinalawig na Mga Oportunidad sa Pag-aaral (ELO) ay maglalaan ng mga birtwal (Zoom) para sa pamilya sa oras ng opisina kada Martes, alas-4:30 ng hapon. Ang mga sesyong ito ay eksklusibo para sa mga pamilya na may kasalukuyang mga estudyanteng pumapasok sa distrito.

Pagbawi ng Kredito (Credit Recovery):

T: Kabilang ba sa grado ng akademikong taon ang akademikong programa sa tag-init?

S: Oo. Kailangang makipagtulungan ang mga estudyante sa kanilang tagapayo sa eskwelahan para makapagpatala sa tamang kurso na kailangan.

T: Meron ba sa mga programa ang nagpapahintulot sa isang estudyante na makakuha agad ng kredito? Mayroon akong estudyanteng papasok sa ikasiyam na grado at nag-iisip kung maaari na silang kumuha ng klase sa matematika na maibibilang sa (kredito ng) kanilang ikasiyam na grado.

S: Oo. Kailangang makipagtulungan ang mga estudyante sa kanilang tagapayo sa eskwelahan para makapagpatala sa tamang kurso na kailangan.

T: Pwede bang sumali ang estudyante kong hayskul sa programang akademiko sa tag-init para sa pagpapabilis (acceleration)?

S: Kami ay nasa proseso ng pag-iskedyul ng mga programa ng pagpapabilis para sa mga estudyante sa hayskul. Ang karagdagang impormasyon ay ibabahagi sa pamamagitan ng kanilang tagapayo.

T: Kung ang estudyante kong hayskul ay bumagsak sa isang klase sa panahon ng regular na taon ng pag-aaral (Tagsibol 2024 na semestre), maaari ba silang kumuha ng online na klase sa tag-init? 

S: Oo. Ang mga estudyante ay maaaring kumuha ng hanggang dalawang kurso online.